Ikay Mahal Parin
Pagmamahal ang nagdadala sa atin sa mundong ito, dahil kung wala ang pagmamahalan ay wala tayo ngayon.Minahal tayo ng ating magulang hanggang sa lumaki tayo at unti-unting nating naiintindihan ang pagmamahalan hanggang sa tayo naman ang magmamahal.
Para akong nasa ulap ng ika'y masilayan,labis ang tuwang aking naramdaman ng tayo'y maging nalapit sa isa't isa, nagsimula ang relasyon natin sa masaya hanggang sa naging mapaglaro ang tadhana.
Pinaghiwalay tayo dahil hindi tayo para sa isa't-isa, maraming taon, buwan, ang lumipas ngunit puso koy nanatili pa din sayo na kahit ano mang gawin ko ay hindi kita makalimutan o mapalitan man lang.
Ngunit hindi naman masama na maghangad ulit na magkakabalikan tayo ngunit puso ko'y hindi ko makontrol kaya hanggang ngayon mahal pa rin kita kahit tayo't wala na.
Comments
Post a Comment