Posts

Ikay Mahal Parin

Image
Pagmamahal ang nagdadala sa atin sa mundong ito, dahil kung wala ang pagmamahalan ay wala tayo ngayon.Minahal tayo ng ating magulang hanggang sa lumaki tayo at unti-unting nating naiintindihan ang pagmamahalan hanggang sa tayo naman ang magmamahal. Para akong nasa ulap ng ika'y masilayan,labis ang tuwang aking naramdaman ng tayo'y maging nalapit sa isa't isa, nagsimula ang relasyon natin sa masaya hanggang sa naging mapaglaro ang tadhana. Pinaghiwalay tayo dahil hindi tayo para sa isa't-isa, maraming taon, buwan, ang lumipas ngunit puso koy nanatili pa din sayo na kahit ano mang gawin ko ay hindi kita makalimutan o mapalitan man lang. Ngunit hindi naman masama na maghangad ulit na magkakabalikan tayo ngunit puso ko'y hindi ko makontrol kaya hanggang ngayon mahal pa rin kita kahit tayo't wala na.

Hanggang Pangarap nalang kita

Image
Ang Pangarap ay kahulugan na nagsisilbing layunin o mithiin natin na gusto nating makamtan at magkaroon ng katuparan ngunit hindi lahat ng pangarap ay nakakamit ang iba ay hanggang tingin nalang at pinapatili ang nararamdaman. Isang babaeng nakapagbihag ng aking puso, Babaeng hindi ko aakalaing magugustuhan ko hanggang ngayon, ngunit alam kung sa sarili ko na hindi na ako dapat mangarap pa dahil kuntento na ako na hanggang tingin na lamang sa kaniya, paghangang labis kung nararamdaman ngunit hanggang pangarap  nalang kita kasi ikakasal kana.

Abaniko

Image
Abaniko Sa panahong nasa Espanyol kolonyal, Mga Dalagang babae ginagamit ang abanikong sa mga salitang ginagamit nila o galaw na nag sesenyas ng nararamadaman sa mga kalalakihan. Sa panahong ito ang ginagamit ng mga kababaihan na nagsasaad ng komunikasyon kahit walang lumalabas na salita. Ang Salitang "ABANIKO/ABANICO"ay mula sa salitang Kastila na ibig sabihin ay 'Pamaypay' at ito'y madalas gamitin ng mga kababaihan noong panahon ng Kastila habang nakasuot sila ng Baro't Saya. At mayroong mga kahulugan ang mga ito Kapg nakabitin ito sa kanang kamay ibig sabihin nito ay 'Gusto niyang may mangligaw sa kaniya'. At kapag nakabitin naman ito sa kaliwang kamay ibig sabihin namn ay 'mayroon na itong nobyo'. At kapag biglang tiniklop ito ibig sabihin naman ay 'gusto kita' Kapag pinaypay ito ng mabilis ibig sabihin ay 'gustong gusto kita' At kapag pinaypay namn ito ng mabagal ay 'wala kang halaga sa kaniya'. Kapag ti...